Mga Post

How to survive STE?

 How to survive STE?      Bilang isang Grade 8 student ng STE nalaman kong hindi madali ang pag-aaral dito, ngunit marami rin akong natutunan. Minsan nakaka-stress kapag marami ng ginagawa at mataas ang mga expectation. Madali lang naman maka-survive dito kung masipag kang mag-aral o napakatalino mo. Sa kabila ng mga ito hindi naman ibig sabihin na hindi magandang mag-aral sa STE, sa katunayan magandang mag-aral dito dahil advance ang mga lesson at napakabait ng mga guro at estudyante. Ang masasabi ko lang kung pursigido kang makasurvive sa STE makakasurvive ka ngunit kung hindi ka naman pursigido kaunti lang ang tyansa na makasurvive ka. 

12 signs your cat LOVES YOU

Imahe
 

Isang lugar na malapit lang sayo na dapat mong bisitahin.

Isang lugar na malapit lang sayo na dapat mong bisitahin! Ikaw, alam kong meron kang gustong puntahan na lugar. Kung saan man yun baka sa mga tourist spot, concert ng BTS o iba pa. Sa lahat ng pinuntahan mo na, saan ka nagagalak ng sobra? Kung saan man yun sana palagi mong nabibisita.  Walang masama sa pagpapasyal pero wag nating kalimutan ang Diyos. Magbisita naman tayo sa kaniyang tahanan na ang simbahan, wala man itong masasarap na pagkain, magandang maliliguan o matutulugang magarbong kama ito naman ay nakakagalak sa pakiramdam dahil marami ka nang matututunan mapapalakas pa nito ang iyong pananampalataya at pagtiwala sa Diyos.  Kung gusto mong mamasyal mas magandang pumunta ka muna sa simbahan at sunod pumashal ka na kahit saang gusto mo.     

My bucket list

Mga gusto kong ma-achieve bago maging 30 years old.   1. Basahin ang buong aklat ng bibliya. 2. Maging isang Accountant. 3. Mapaganda ang aming bahay.  4. Matulungan ang aking mga magulang sa pagtustos ng pagpapaaral nang dalawa kong kapatid. 5. Mabigyan si mama ng kumpletong baking supplies. 6. Mabilhan si papa ng kotse. 7. Makapagdonate sa mga bata. 8. Mabigyan ng bongang debut ang aking dalawang kapatid.  9. Magtravel kasama ang aking mga pamilya. 10. Ikasal sa simbahan kasama ang isang lalaking malaki ang respeto sa mga babae, mabait, may maayos na trabaho at higit sa lahat maka-diyos. 11. Magkaroon ng isang simpleng pamilya kasama ang aking asawa.

6 signs na ikaw ay matalino

Mahilig ka sa Tsokolate. Ayon sa aking mga nakikita, karamihan ng mga matatalino ay mahilig sa tsokolate. Wala ka masyadong ka-chat na stranger.  Ang matalino ay busy palaging mag-aral kaya wala syang oras para sa mga ganito, kung meron man baka ito’y tungkol sa study or sa pamilya.  Nag-aaral ka ng tahimik. Ayaw ng mga matatalino ng ingay kapag nag-aaral sila kasi baka mawalan sila ng focus. Pero minsan ay gusto nilang mag-aral habang merong relaxing music.  Kinakausap mo ang iyong sarili.  Ang matatalino ay kinakausap ang sarili dahil pinag-iisipan nila kung tama ba ang kanilang gagawin, kinakausap rin nila ang kanilang mga sarili dahil gusto nilang malaman kung ano ang mga posibleng mangyari sa gagawin nilang kilos.  Mahilig kang mag-aral ng advance.  Alam naman nating lahat na ang mga matatalino ay maraming alam, upang maging matalino kailangan mong mag-advance study at kung gagawin mo ito hindi kana mahihirapan sa iyong mga lesson. Ikaw ay tamad. Kung ...